Fr. Lito on BEC

Photo by: Conrad Alvez

13 panayam sa BEC seminar sinimulan ni Fr. Lito

PASIG CITY. Sinimulan ni Fr. Lito Jopson ang 13 panayam ukol sa Basic Ecclesial Communities (BEC) para sa mga Layko ng Immaculate Conception Cathedral Parish bilang paghahanda sa inilunsad na “Stewardhip Program” ng parokya. Ito ay ginawa sa 3rd Floor ng San Nicolas Room, Formation Center noong ika-19 ng Setyembre 2105.

Ang nasabing mga panayam ay tatagal hanggang labintatlong (13) araw tuwing Sabado.

Naglalayon si Fr. Lito na makapag-luklok ng mga bagong BEC leaders na hitik sa kaalaman sa pagpapatakbo ng isang bukluran o kawan sa isang kapitbahayan.

Ang Bibliya ang batayan ng mga aral na ibinigay sa mga dumalo sa nasabing pagtitipon na nilahukan ni Sis. Ma Antonette Birco-Abeto, coordinator ng ICC-BEC.

Nasa walumpung katao ang nakinig sa panayam ni Fr. Lito Jopson

Conrad Alvez

ni Conrad Alvez

 

8124 Total Views 1 Views Today