4 Na Parishioners Mula Sa Diocese, Tatanggap Ng Papal Award

Sa pagsusumikap ng ating mahal na Obispo, Bishop Mylo Hubert Vergara, na bigyang inspirasyon ang mga laykong naglilingkod o naglingkod nang may katapatan sa matagal na panahon sa Simbahan, pinagkalooban ng Kanyang Kabanalan Pope Benedict XVI ng papal award ang 4 apat na parishioners mula sa diocese.
3 sa mga tatanggap ng papal award na PRO ECCLESIA ET PONTIFICE ay mga parishioners mula sa Sto. Tomas de Villanueva Parish ng Santolan, Pasig City at 1 naman mula sa St. Ignatius of Loyola Parish ng Ususan, Taguig City.

Mula sa Sto Tomas Parish, ang mga awardees ay sina:

  • Sis Dorotea Algas
  • Sis Lolita Cruz
  • at Sis Dominga Robles

Mula sa St. Ignatius Parish naman ay si

  • Sis Angeles “Nene” Villar.

ito ang unang pagkakataon na maggagawad ng parangal para sa mga layko mula sa Santo Papa, sa panunungkulan at sa pagkukusa ni Bishop Mylo Hubert.
Ang papal award na ito ay isang malaking biyaya para sa buong diocese at gayundin sa mga awardees at sa kanilang mga pamilya.

533 Total Views 1 Views Today