Holy Rosary from Bataan

Pasig City– 10:45am, Ika-7 ng Setyembre, 2015. Isang makasaysayang paghinintay at pagtatagpo ng dalawang Kura Paroko mula Our Lady of the Most Holy Rosary Parish, Bataan at Immaculate Conception Cathedral Parish, Pasig City ang naganap bilang panimula ng isang makabuluhang pagdiriwang para sa araw ng kapanganakan ng Mahal na Inang Birheng Maria.

Nagtagpo at nagkumustahan sa kauna-unahang pagkakataon sina Rev. Fr. Santos Detablan at Rev. Fr. Joselito Jopson bilang pagkakaisa sa mithiing ipagdiwang ang isa sa pinaka-mahalagang kapistahan sa Simbahang Katoliko.

Nag-usal ng isang panalangin Si Fr. Lito Jopson bilang pagtanggap at pagpupugay sa panauhing imahe ng Canonically Crowned Virgen Milagrosa del Rosario de Orani habang nagninilay ang mga taong nakapaligid sa karosa ng imahe.

Nakatakdang tumungo ang delegasyon sa Pasig City Hall kung saan naghihintay ang Punong Lungsod Maribel Andaya Eusebio at ang buong konseho kasama ang mga empleyado upang magtanghal ng isang programa bilang pagsalubong at pagdiriwang para sa kaarawan ng Mahal na Inang Birhen.

Ni Conrad Alvez

5524 Total Views 1 Views Today