Pasig City – Idinaos ang isang salo-salo na pinangunahan ng Caritas Pasig para sa ika-57 kaarawan ng lubhang kagalang-galang Mylo Hubert C. Vergara, D.D., Obispo ng Pasig. Ito’y sinumulan ng isang pagdiriwang ng banal misa sa pangunguna ng butihing Obispo, Bishop Mylo. Ang pagdaraos ay nilahukan ng ibat-ibang sangay ng Diyosesis ng Pasig kasama ang mga piling panauhin at kapamilya. Dumating din sa pagdiriwang ang dating Foreign Secretary, Alberto Romulo at dating Congressman Roman Romulo at ang kanya kabiyak na si Ms. Shalani Soledad Romulo. Kasama rin sa panauhing pandangal ang Pasig City Mayor, Victor Ma. Regis “Vico” N. Sotto.

Pinakulay ang munting salo-salo ng mga iba’t-ibang nagalay kani-nilang talento sa pagbibigay ng kasiyahan katulad ng “The Priestyle” na mula sa kaparian ng Dioyesis ng Pasig at iba pa.

for more pictures please visit Diocese of Pasig FB page at -> https://www.facebook.com/pasig.diocese/

2756 Total Views 42 Views Today