Bishop Mylo holds Diocesan Advent Recollection

diocesan-recollection-2016

Photos by Albert Gerez and Conrad Alvez

His Excellency Most Reverent Mylo Hubert Vergara, D.D., Bishop of Pasig, conducted the annual Diocesan Advent Recollection with the Theme: Waiting in Hope to be Communities of Faith, Trust and Action last November 26, 2016 at the Sta. Clara De Montefalco Parish, Caniogan, Pasig City

The Advent Recollection for the Diocese of Pasig started promptly at 7:30 in the morning. Bishop Mylo focused on the stabilization of Basic Ecclesial Communities and faith building with trust and action. He gave the congregation some points for prayer and reflection: How have I become a servant of faith, trust and action in my parish community?

diocesan-recollection-2016-2

Photos by Albert Gerez and Conrad Alvez

Rev. Fr. Daniel L. Estacio, Sto. Niño De Taguig Parish Priest, Oeconomus and Liturgical Ministry Director of the Diocese of Pasig, a Queen of Heaven Missionary Sister and Ms. Rosie Arias Sandoval, Full time Catechist of the Diocese of Pasig shared their very colourful life experiences.

Fr. Orlando Cantillon, PaDSS Director, discussed with passion the plans for the Diocese of Pasig which was formulated by the Clergy during their recently concluded recollection and planning activity.

The Sacrament of Reconciliation prepared the communicants for the Eucharistic Celebration offered in honor of +Bishop Francisco San Diego, in time for his first death anniversary. The Mass was also offered for the souls of the faithful departed Priests of the Diocese of Pasig.

More than 1,100 parishioners and guests attended the recollection. Mostly were representatives of the parishes and schools from the Diocese of Pasig. The Clergy and the religious Sisters were among the pillars of the Church whose presence magnified their sincerity to help build Communities of Faith.

Homily of Bishop Mylo Vergara:

Buhay pa po ba Kayo? Kasi ang pagdiriwang po natin ng Misa ay para sa mga patay. Yun pong mga pumanaw na mga naglingkod po sa atin. Lalong-lalo na si Bishop San Diego at ilang mga pari bago pa man naging diyosesis din ang Pasig. Yung mga CICM Fathers at kung natatandaan po ninyo pati si Fr. Mars Selmar nung ako ay naging Obispo na ng Diyosesis. Pero bago pa man me mga ibang pari na di ko naman kilala panahon po ni Bishop San Diego na yumao na rin. Alam nyo tamang-tama nanunulay po tayo sa Misang ito. Misa para sa mga yumaong mga Pari patungo po sa pagdiriwang mamaya sa ating anticipated Mass na alam natin unang Linggo na ng Adbiyento at kung titignan naman po natin yung paggunita sa mga yumaong naglingkod sa ating Diyosesis ay may maitututuro din po lalo na paghahanda natin sa pagdating ng Panginoon hindi lang tuwing Pasko kundi kung tayo’y tawagin ng Diyos sa oras na tayo ay mamamatay na o sa ikalawang pagdating yung paghuhukom. Kasi kung titignan natin maiksi ang buhay. Yung iba akala mahaba ang buhay. Sabi nga parang kalian lang papunta na tayo sa 2017. Iisipin natin dadaan na naman ang isang taon. Magpapatuloy ang pagdaloy ng panahon. Maiksi ang buhay. Kung maiksi ang buhay, pano ka maghahanda para kapag tinawag ka ng Panginoon ika’y makakarating sa kanyang kaharian. At ito po yang itinuturo ng ating mga yumaong lingkod, ang mabuhay sa kabanalan, ang mabuhay sa paglilingkod sa Diyos. Alam nyo kung iisipin natin wala naman pong Obispo, Pari, Laiko, Madre na perpekto. Lahat tayo marurupok, makasalanan. Nagpakumpisal po tayo hindi ba? Walang makapagyayabang dito na siya’y mas malinis kaysa iba. Na siya’y walang kasalanan. Lahat po tayo ay may karupukan. Pero isipin nyo, sa kabila ng karupukan natin, tayo’y tinatawag pa rin ng Panginoon para maglingkod sa kanya. Di ba biyaya po iya? At iyan ang sinasabi nya. Tinatawag kita, hinihirang kita para bago ka makarating sa iyong pupuntahan sa buhay na walang hanggan makapaghanda kang mabuti sa pamamagitan ng buhay kabanalan at paglilingkod. At yan ang hiwaga o misteryo. Ang hiwaga, ginagamit pa rin tayo ng Panginoon para dalin ang iba, dalin ang ating kapwa sa Diyos. Yan nga po ano sa ating ikalawang pagbasa walang nabubuhay para sa sarili lamang. At sinabi nga ng Panginoon sa ating ebanghelyo kapag hiniwalay na ang kambing sa tupa ang itatanong napainom ba yung nauuhaw, napakain mo ba yung nagugutom, dinamitan mo ba ang mga walang damit, binisita mo ba ang mga nasa piitan, nagkawang-gawa ka ba? Ito yng itatanong sa atin at iyan ang paghahanda para pag dumating na ang oras masasabi pa rin ng Panginoon sa atin halika ikaw ay iuuwi na sa langit, ikaw ay karapat-dapat. Alam nyo naalala ko pa nung si Fr. Mars Selmar ay tinamaan ng kanser at siya ay inalagaan ng mga Sisters of the Poor at nag-chemo therapy siya. Nung siya’y medyo nakakapaglakad na patuloy pa rin siyang nagmi-Misa. Hindi nawawala yun kanyang sigla at alab sa pagsesermon. Hanggang sa manghina na siya, maospital at tuluyang mamatay. Nandun pa rin sa puso nya, makasalanan siya, may karupukan siya pero maglingkod sa Diyos. Naalala nyo si Bishop San Diego nung mga huling sandali ng kanyang buhay, in and out sa ospital. Naalala ko nung 2016 nung pumunta ko sa Kuwait nung anniversary ng ating diyosesis, nag-Misa pa siya kahit nanghihina. Nakaupong nagsesermon kahit papano naghahabilin nandun pa rin sa puso niya ang maglingkod. At siguro ito yung sinasabi sa atin, hindi ako nabubuhay para lang sa sarili ko kundi para sa Diyos at para sa Simbahan. Gayn din po ang hamon sa ating lahat. Kayo po ay naririto mga lingkod layko ng ating mga parokya, mga Madre, mga ilang Paring kasama natin, hindi tayo nabubuhay para sa sarili lamang. Inihahanda na tayo ng Diyos sa tunay na tahanan natin sa langit. Kaya nung sinasabi niyang patuloy na magpaka-banal, patuloy na magpaka-buti, patuloy na maglingkod sa ikaluluwalhati ng Panginoon.

 

By Conrad Alvez

823 Total Views 3 Views Today