Isang Taong Pagdiriwang Para Sa 50 Taon Ng Sto Niño Parish De Taguig

JANUARY 15, 2012 – SNP FIESTA CELEBRATION

Ang Sto. Niño Parish De Taguig ay kasalakuyang nagdiriwang ng ika 25th Anniversary ng Parokya. Maraming nakahandang activities para sa isang taong pagdiriwang ng tinatawag na Silver Anniversary. Sakatunayan, unang ipinagdiwang ang Piyesta ng mahal na Patrong Sto. Niño noong nakaraang ika-15 ng Enero taong kasalukuyan. Ang Banal na Misa noong araw ng Piyesta ay ipinagdiwang ng ating mahal na si Bishop Mylo Vergara. Ang nasabing banal na Misa ay dinaluhan ng mga ilang kilalang Pulitiko sa pamumunong Alkaldeng Taguig na si Hon. Mayor Lani Cayetano at kanyang mga kasamahan.

Kaugnay nito, maraming patimplak para sa mga kabataan ang inihanda ng Parokya kagaya nalamang ng mga sumusunod: Singing Contest parasa kids at adults, Dance Contest parasa adults, Street Dance Competition.

Sadyang nakadagdag ng ningning at aliw ang mga nasabing patimplak sa ginanap na Piyesta ng Parokya. Hindi matatawaran ang talentong ipinamalas ng mga kalahok sa bawat patimpalak.

FEBRUARY 11, 2012 – FOUNDATION DAY / RECOGNITION NIGHT
Kasunod nito ay ang Foundation Day ng Parokya naginanap naman noong ika-11 ng Pebrero taong kasalukuyan. Nagsilbing Recognition Night ang nasabing pagdiriwang. Ginawaran ng parangal ang mga nakapagsilbi sa Parokyang 10 taon, 15 taon at higit sa lahat 25 taon o ang Silver Awardees. Ang parangal na ito ay naglalayong bigyan pasasalamat ang mga walang sawa at walang pagiimbot o kapalit sa kanilang serbisyo sa Sto. Niño Parish De Taguig na miyembro ng bawat ng mga kasaping Organisasyon at Ministry ngParokya.

Sa pagkakataong iyon noong gabing parangal, ay hindi na bigo ang mga  nagsipagdalo na makausap ang pinakaunang nagsilbing Paring Parokya na si Fr. Charlie sa pamamagitan ng Skype.

Napakaraming mga aral at ala-ala na nagging bahagi ng kasaysayan ng Parokya mula noon hanggang ngayon na ang Parokya ay nasa pangangalaga ni Fr. Paulino G. Balagtas.

APRIL 14 – MAY 05, 2012 – SPORTS FEST 2012
Hindi pa nga nagtatapos ang pagdiriwang ng Silver Anniversary. Heto nga at mayroon pang kasunod na kaabang-abang – SPORTS FEST 2012. Sa unang pagkakaton sa kasaysayan ng Sto. Niño ay magkakaroon ng SPORTSFEST sa pakikipagtulungan ng Vicariate. Ang lahat ng kasapi na parokyang Sto. Niño Vicariate ay magtutungali sa iba’t ibang uri palakasan. Ito ay magaganap mula ika-14 ng Abril hanggang ika-5 ng Mayo taong kasalukuyan. Ang Opening Ceremony at Awarding Ceremony ay magaganap sa parokya Sto. Niño.

Ang naturang PALAKASAN ay binuo upang magkaroon ng pagkakaabalahan ang mga kabataan sa panahon ng tagaraw. Layunin ng mga namumuno nahimukin ang mga kabataan sa mabuting gawainsapamamagitanngpalakasan. At para sa mga manlalaro, hangad naming madama ang spirit ng tinatawag na SPORTSMANSHIP. Mabuhay ang Sto. Niño Vicariate. Hanggang sa muli para sa iba pang activities ng aming Silver Anniversary.

626 Total Views 1 Views Today