Ang komunidad ng Immaculate Conception Cathedral of Pasig ay lubos na nagpapasalamat kina Rev. Fr. Lito Jopson, Rektor at Kura Paroko, Rev. Fr. Bernie Carpio, Rev. Fr. Felix Gutierrez, mga Parochial Vicars, Rev. Fr. Orlin Ordona, Resident Priest at Pangulo ng Pasig Catholic College, at Bro. Adam Arellano, Resident Seminarian, sa pag-papastol nyo sa aming parokya at pamayanan. Maraming Salamat sa anim na taong paggabay, pagmamahal, pag sasakripisyo, paglilingkod at panalangin na inyong ibinahagi sa amin. Baunin po ninyo ang aming pagmamahal at panalangin sa susunod na yugto ng inyong bokasyon. Gabayan nawa kayo ng Ating Ama, at protektahan kayo ng banal na manto ng Virgen ng Immaculada Concepcion ng Pasig. Maraming Salamat po! Mahal namin kayo!

2907 Total Views 16 Views Today
Spread the love